Nakakatawa. Ba't hanggang tingin ka lang? Andami-dami mong sinasabi pag wala ako.Ang sarap ngang pakinggan eh.Sabi nga nila: "you always try to find the right words to say". Ngiti lang ang naibabalik ko sa kanila. Eh pano, di ko alam kung maniniwala ako o hindi. Ang hirap mo kasing i-spell-ingin. Hindi ka transparent, di gaya ko. Pag magkausap tayo, siya yung pinag-uusapan natin. Kung pano nya napapaikot ang mundo mo.
Tapos ako naman, todo suporta sa'yo. "Eh ba't kasi di ka na umamin sa kanya". Lagi kong kantiyaw sa'yo. "Di pa ko kasi ako ganun katanga". Depensa mo lagi sa 'kin. Teka, define tanga muna. Anong konteksto ba yung sinasabi mo?Ewan ko lang ha? Pero sa lagay na yan, talo ka. Kahit san mo daanin, talo ka talaga. Men---ilang beses ko na bang sinabi s'yo na "if you really want something, you don't just stand there and stare and wish for a star to fall and give you some f***ing miracle!" It's all about choice. And that choice always involve actions. Kelan ka gagalaw? Pag wala na yung hinihintay mo? Pag di na pwede yung gusto mo? Sinong tanga ngayon?! Ang hirap s'yo ayaw mong masaktan. Kung tutuusin mas masasaktan ka sa ginagawa mo. Dude, you have to do something. If I only had a remote control, I would've pressed the "fastforward" button. Kaso, isa lang akong hamak na mag-aaral ng UP na walang ibang magawa kundi damayan ang isang kaibigan sa kanyang katangahan. Ano? Masakit na ba? Nasasaktan na ba kita? Pasensya ka na ha? Gusto ko lang naman kasing sumaya ang mundo. Pero pano 'to sasaya kung may mga taong kagaya mo? Hay...sana mamaya mauntog ka...magising... magpanic...at ma-realize mo na...sige wag na nga lang.
So, ano? Hanggang tingin ka na lang talaga? Huwag naman sana.
No comments:
Post a Comment