Monday, September 15, 2008

Half and Half

37 months na kami. Yiiiiii! Ambilis. Parang kelan lang daw sabi nila. Pero sa span na yun, pareho pa rin yung effect nya sa 'kin. Lagi pa ring may nilu-look forward na event-- the usual man o extraordinary. Nakaka-excite pa rin yung mga coffee date, basketball game, at movie marathon plan. Ina-anticipate ko pa rin ang weekend at sleepover. Nakaka-tense na nakaka-stimulate pa rin mag-isip ng gift o surprise. Nakakakilig pa rin yung impromptu visits o pa-sweet na line. Aside from those things, syempre may struggle din paminsan minsan. Nawawala sa isip mag-text (parang kagabi-- sorry talaga), nagkakasabay ang stubborness o kaya init ng ulo, nagiging selfish ng onte, di nagtutugma ang ilang perspectives, di nari-reconcile agad yung ibang personal differences, at iba pa. But at the end of the day, kami pa rin. Nari-resolve kung ano man yung issue, which we usually finish off with a hug. Yung mga non-negotiable, non-negotiable pa rin. Kami-- eh di kami pa rin.

*****
May mga nagtatanong kung kelan na. We'll get there. OK? Sabi nga ni broe, we're "mutually marred". Ah, very well said. =)
Happy 37th nung 9, buddy ko. Mi luv yah. *kugos*

No comments: