Thursday, August 25, 2005

Blogged It

Nag-iisip. Wala kasing magawa, kaya napapa-iisip. Some men have all the luck. For some reason, yan yung nagpi-play sa utak ko kanina habang nag-aabang ng FX. May nami-miss akong isang tao, sarap i-hug. Pag nagti-text ako, I usually spell out the words unless kulang na sa space. Ayoko kaya nung "me" kapalit nung "ako" or "'ko". Irritating sya, basta . Pero yung taglish, nati-take ko na. Parang ganito. Kelangan ko ng caffeine mamayang gabi-- hot and grande of an unfamiliar blend. I'll steal some sleep tonight (hope eric meister won't mind). Care ko kung may 2 kamera sa paligid, di naman ako makikita dun-- strategic location kaya yung cube ko. Nakita ko kanina yung trailer ng Wicker Park sa Star Movies-- hmmm, ang hot ni Josh Hartnett. Gusto ko tuloy panuorin. I like broad shoulders, I can lean on them, sleep on them. Kelangan ko nang mag-MCP exam. Lagot. I badly need a motivation. Ba't kaya may mga EX pa 'no? Why can't we all have or be a current, and stay that way? But I know why. Makulit ba 'ko? Ha? Ha? Ha? Kung oo, eh ano naman ngayon? =D

Ay ang gulo. Pero ganyan ako minsan mag-isip. Random. Hindi structured. Walang definite direction. In short, may kalabuan. Kaya nga mas gusto ko na sinasabi ko agad kase kung hindi, makakalimutan ko kung ano man yon eventually. Tsaka, ngayon ko lang napansin-- taglish din pala 'ko mag-isip. Cool.

Magsusulat dapat ako ng isang magandang haiku pero nauwi ako sa ganito. And come to think of it--- I have no idea why. Anlakas pa ng ulan sa labas. Bad trip, mababasa na naman yung mga paa ko... =(

No comments: