sya: hi. musta na po?
ako: hey. eto..masaya. =)
sya: that's nice. just visited your friendster...
sya: bat ganon status mo? ano yun?
ako: hehe. la yon.
sya: di nga? napaisip ako dun ah.
ako: la nga yun eh. lam mo naman ako...
sya: my point, exactly...
===
sya: anlamig no?
ako: onga eh.
sya: sarap mag-coffee...
ako: =)
sya: coffee tayo..
ako: haha, ok sa segway ah.
===
ako: ba't laging yan na lang ino-order mo?
sya: uy, naalala mo pa pala. *grinning*
ako: why don't you try other flavors?
sya: yoko. sanay na ko dito eh.
ako: di ka ba nagsasawa?
sya: siguro pag tumanggi ka na sa invites ko...i'd probably try machiatto.
===
sya: kayo ba, nagku-coffee kayo?
ako: never ko pa sya nakasama mag-coffee.
sya: ...
ako: tska di naman nagkakape yun eh.
sya: ahh... i love coffee.
===
sya: pano ka na-addict sa kape?
ako: when i started thinking.
sya: ahh..
ako: kaw ba?
sya: when i noticed you thinking.
ako: ha-ha funny.
sya: *smiling*
===
ako: so kelan mo papakilala sa 'kin yung constant date mo?
sya: yoko muna..di pa ko ready.
ako: para 'tong sira.. sige na, kelan?
sya: wag na..baka magselos ka pa..
sya: hehe, joke lang po.
ako: so kelan nga?
sya: pag ayaw mo na ng coffee.
===
ako: kainis ka..
sya: lagi ka namang naiinis sa kin eh..so, what is it this time?
ako: you're so good at this..
sya: explain...
ako: wala. eh kse lagi na lang nagba-backfire sa kin yung conversation natin.
sya: hmm..is it good or bad? *smiling*
ako: pwede ba tayo magkaroon ng isang normal na usap? yung tipong wala lang.
sya: *giggling* wag..boring yung ganon. tska, this is the reason why we click together.
ako: kala mo lang yun.
sya: the thing is, tama naman akala ko.
ako: yoko na nga, uwi na ko. order ka na ng machiatto mo..
sya: you're so good at this.. (mimicking the way i said it earlier)
ako: explain... (mimicking the way he said it earlier)
sya: saying goodbye without really saying so..