follow-up lang 'to.
ang gulo ng december 25 ko. buti na lang na-agapan. kung hindi--- kill! ewan ko ba, pag dating talaga siguro sa lovelife na yan...malas ako. fault ko rin naman eh. simpleng reply lang di ko pa ginawa. ano ba naman yung "hi" di ba? ewan, inabot na naman yung pride ko. nagmagaling. tuloy, naging madrama yung simula ng pasko ko. subtle lang nung una. masama raw ang loob nya. kesyo di na raw ako nagpaparamdam. ang lungkot-lungkot na raw doon, tapos ni wala man lang balita galing sa kin. shit. syempre medyo na-guilty ako. sabay sorry.
maya-maya, nag-iba na yung mood. eh medyo inspired yung guts ko nun ni don cuervo. ilang shots din yon. kaya isang tanong nya, isang sagot naman ako. honesty pala ha. eh di naging honest ako.
ano ba ang gusto nyang malaman? ano ba ang dapat nyang malaman? dami nang nagbago. hirap na hirap na ko. sanay na ko na wala ka. di na kita nami-miss. ang labo na nung sa tin. 2 years? wow, parang ang dali-daling maghintay. pagbalik mo ba, di ka na ulit aalis?
ano pa ba ang gusto nyang malaman? ano pa ba yung dapat nyang malaman? di na ko sure sa nararamdaman ko sa'yo. ang dami na nating napalampas at pinapalampas na mga bagay. ang hirap nang sabayan. nakakapagod nang maghabol. umiyak sya. iniyakan na naman ako. pinaiyak ko na naman sya. may napaiyak na naman ako.
shit talaga. remember the book? yung binigay ko sa kanya last month. GUESS HOW MUCH I LOVE YOU? oo nga naman. ano yon? lokohan? sandali, umiiyak na rin pala ako. sorry, minsan ang selfish ko talaga.
uuwi sya para lang may mapatunayan. parang pwede? sabihin na nating pwede, kung gugustuhin. pero ayoko. ano na lang sasabihin ng parents nya? sinisira ko future nya? pero di ba sabi nya part ako ng future na yon? na ako nga ata yung future na yon?
wag na lang. tapusin mo na. maghihintay na lang ako. just promise me that when you come back, you're going to stay with me for good. ang bigat nung pinakawalan ko sa kanyang salita. ang bigat din nung pinangako nya. "baby, dalawang pasko na lang."
*sigh*
******
12/25/2003. 37th month. 2:00 to 9:00 AM, all cards have been laid down. hoping.