Friday, February 28, 2003

Ano yun na?

Ano split na?
HA? IKAW?
Ewan...ikaw?
EWAN DIN...SO?
So...pano?
PANO NGA BA?
Hmm...di ko lam eh...(ANO BA!?!OO 0 HINDI LANG NAMAN EH.)
MALABO BA? (Oo lang o hindi, mahirap bang sagutin yon?)
Ha? Ang alin? (PWEDE BA SABIHIN MO NA?)
YUNG SA 'TIN. (Mahal mo pa ba ko?)
Malabo na ba?(MAHAL NAMAN KITA EH.)
IKAW YUNG UNANG NAGTANONG DI BA? (Sabihin mo na kasi kung ayaw mo na.)
Parang kasing walang nangyayari eh...(SHIT. PLEASE WAG KANG PUMAYAG...)
OO NGA EH...PAULIT-ULIT NA LANG.
(Ba't ganon? Ba't ayaw mo na?)
So? (PLEASE...)
SPLIT NA? (Anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang.)
Sige...
SIGE.

Thursday, February 27, 2003

Blaming the Scars

So you're leaving? I thought everything that has been happening between us lately was leading us to a certain direction. But when you told me about "it", everything just ended in my mind.

I'm sorry. I know you're expecting too much now. I know I said something like "staying". But you never mentioned something like "leaving". I feel stupid. I know you'll come back. But I don't think I can wait AGAIN anymore. That's what I’ve been doing the entire time that we were together. I'm so sorry. I can't promise you what you've wanted me to promise you. Your heart is good, I know. But mine is already tired. The last time you left, it got scars all over it. But it forced to heal itself because of the thought that what had happened was so unintentional. But this time---everything is planned. And the scars are becoming visible again. And they just reminded my heart about the past. That's why my heart decided to hold its peace and back off. I'm sorry---I just couldn't afford to hurt myself more.

When you leave, don't say goodbye. Don't ask me again about that promise thing. Better yet, don't see me. I can already picture how everything would happen that day. You will cry. I might cry. But what difference would the tears make? Could they make the scars disappear? Could the tears cut the distance and time that you're going to create? You know the answer. So please, let's stop this mind game. It's already clear: you have to go and I have to stay.

Wednesday, February 26, 2003

Cold Feb14

happy valentine's day.
aga ko nagising kanina.
tinext kung sino mati-text.
sabay bati ng happy valentine's day.
pero sa totoo lang di naman ako happy.
wala ring planong magpaka-mushy ngayong araw.
eh di ba nga andami kong iniisip?
kahapon sabi ko takot ako.
tapos sabi ko mawawala rin yon.
yosi lang naman katapat.
ngayon, bumabalik na naman yung pakiramdam na yon.
ba't kaya?
torture na nga yung dating eh.
isang malaking bullshit.
may gusto akong kwentuhan ng sentiments ko.
may gusto akong makasama ngayong araw.
wala lang. yung tipong wala kaming ibang gagawin.
kwentuhan ng kahit ano. kahit saan.
kaya lang, nawawala naman yung taong yon.
ah siguro may iba na syang plano---
sa ibang tao sa araw na 'to.
so, malamang ako lang...na naman.

Awit ng Pebrero

"Quit na!" Paulit-ulit na isinisigaw sa 'kin. Sabay-sabay. Nakakabingi. Walang magawa ang pagtakip ng dalawang kamay ko sa mga tainga ko.Tangina sila...ba't ako magku-quit?! Para ano? Para mas mapatunayan nila na sila pa rin ang bida?! Fuck them! Fuck them all! Ibahin nila ko sa mga sinubukan at pinasubo nila. Sila lang luluhuran ko? Hell no.

Pero lam nyo minsan parang gusto ko na ring umayaw.Kahit na nagiging masokista na 'ko, ramdam na ramdam ko pa rin yung sakit ng mga sinasabi at pinapagawa nila sa 'kin. Matapang daw ako kaya ganun na lang.Isang sigaw nila, isang dapa ko.

"Ayoko na..." Minsan naririnig ko yung sarili ko na nakikiusap. Pero lam nyo yun---ayaw ko pa ring makinig. Pakiramdam ko nga tumitigas na yung puso ko. Na kahit dun sa malalapit sa kin hindi na nakikinig. Ayaw nang makinig. Ewan ko ba...andami ko kasing gustong patunayan. Mataas yung ambisyon. "Trying hard". Ma-pride. Kaya tuloy eto, walang ibang magawa kundi umamin at tumanggap ng pagkatalo sa isang sulat.

Shit. Shit talaga ako. Ang sarap iuntog ang ulo.

"Bitaw na."

Malapit na.

Monday, February 24, 2003

Ganito Sana, Kung Ako Siya

Kulang ang tulog mo? Pareho lang naman tayo.
Eto, lutang din. Nakakainis na nga eh.
Masaya ka pala pag magkasama tayo. Salamat ha?
Natuwa naman ako dun. Sana nga totoo.
Minsan lang kasi may magsabi ng ganun sa kin.
Pero teka, ba't naman tinapos mo na?
Kumbaga, nilagyan mo na ng ending yung sa 'tin.
Di ba pwedeng open-ended na lang?
Tipong come-what-may?
Pwede bang ganun?
Ikaw kasi---ayaw mo atang mag-risk.
Kunsabagay, pareho lang ata tayo.
Pero lam mo, me nabasa ako minsan.
Sabi: If you risk nothing, you risk even more.
Kakainis no? Pero totoo.

Thursday, February 20, 2003

Romanticized Angas

Oy--asan ka na kaya?
Wala na 'kong balita sa'yo.
Pero mas mabuti na rin yon. Siguro.
Pag ganito kasing mga panahon, di maiwasan yung kahit papano maisip ka.
Shit! What a line! Nagiging baduy na naman ako.

Pero, di nga. Naalala lang kita.
Eh pano ba naman sa'yo ko lang naramdaman yung ganong pakiramdam.
Yun bang nati-take for granted.
Yung dapat nasa tabi kita nung mga panahong yun, pero wala ka naman.
Yung dapat visible ka.
Yung nandyan ka lang.

Ganon ka ba talaga? O sa 'kin lang?
O baka marami ka lang talagang ginagawa.
Eto na naman ako. Nagbubuhos ng sama ng loob.

Pasensya ka na ha?
Dami ko kasing dinadala ngayon. Daming iniisip.
Dapat sana may kasama ko.
Iba rin kasi yung ganon. Yung may nagku-comfort sayo.
Yung kahit di naman talaga ok, sasabihin nya na ok. Tapos parang ok na rin talaga.
Yung kahit na emotionally unstable ka, feeling mo malakas ka pa rin kasi andyan sya.
Yung di maba-bad trip sa'yo pag nagtext ka ng 3am.
Tatawagan ka pa nya nun.
Makikipagkwentuhan hanggang sa ikaw na yun mapagod at antukin.

Di ko sinasabi 'to para bumalik ka ha?
Overrated sentiments lang po ng isang hyped romantic.
Nililinaw lang yung mga gray areas sa dibdib.
Ang bigat-bigat kasi.

Pero may ipapakiusap sana ko sa'yo...kung ok lang?
Sana pag may mahanap kang iba,wag mo nang ulitin yung nangyari sa 'tin…
Since you're already very good in words, deal more with actions.
The best tangible thing na maibibigay mo eh yung presence mo. Physically.
And try not to lose the person anymore.
Sige, ikaw rin.

Sana makarating 'to sa'yo.
Belated happy valentine's day nga pala.

Wednesday, February 12, 2003

Kwentong Ewan

Di ako okay.
Daming gumugulo sa utak ko.
Andaming tinatagong takot ng dibdib ko.
Minsan parang ang babaw pero di ko pa rin mapigilang mag-isip.
Eh putcha!
Ba't sa iba parang andali-dali?!
Parang wala lang.
Kanina nga lang umiyak na naman ako.
Pero pigil.
Yung tipong paunti-unti...dahan-dahan.
Yung walang makakapansin.
Parang sa tanga nga eh.
Sa harap n'yo okay lang ako.
"Cool" kumbaga.
Pero pag ako na lang?
Ha!
Lagi akong bumibigay.
Humihina depensa ko.
Ma-pride lang kasi ako.
Ayokong sabihin ng ibang tao na "para yun lang?"
Na ang hina ko.
Siguro pride ko na rin yung nagpapalakas "kuno" sa akin ngayon.
Langyang "pride" yon, may naitutulong pala.

Ay nga pala--- naiiyak na naman ako. Gusto na namang lumabas ng takot sa dibdib ko. Pero tulad ng dati-- dapat pigil. Dapat dahan-dahan. Dapat walang makaalam. Dapat "cool" lang ako. Sige---iiiyak ko muna 'to tska iyoyosi. May tatlo pa ko dito. Mamaya lang, okay na naman ako.