Oy--asan ka na kaya?
Wala na 'kong balita sa'yo.
Pero mas mabuti na rin yon. Siguro.
Pag ganito kasing mga panahon, di maiwasan yung kahit papano maisip ka.
Shit! What a line! Nagiging baduy na naman ako.
Pero, di nga. Naalala lang kita.
Eh pano ba naman sa'yo ko lang naramdaman yung ganong pakiramdam.
Yun bang nati-take for granted.
Yung dapat nasa tabi kita nung mga panahong yun, pero wala ka naman.
Yung dapat visible ka.
Yung nandyan ka lang.
Ganon ka ba talaga? O sa 'kin lang?
O baka marami ka lang talagang ginagawa.
Eto na naman ako. Nagbubuhos ng sama ng loob.
Pasensya ka na ha?
Dami ko kasing dinadala ngayon. Daming iniisip.
Dapat sana may kasama ko.
Iba rin kasi yung ganon. Yung may nagku-comfort sayo.
Yung kahit di naman talaga ok, sasabihin nya na ok. Tapos parang ok na rin talaga.
Yung kahit na emotionally unstable ka, feeling mo malakas ka pa rin kasi andyan sya.
Yung di maba-bad trip sa'yo pag nagtext ka ng 3am.
Tatawagan ka pa nya nun.
Makikipagkwentuhan hanggang sa ikaw na yun mapagod at antukin.
Di ko sinasabi 'to para bumalik ka ha?
Overrated sentiments lang po ng isang hyped romantic.
Nililinaw lang yung mga gray areas sa dibdib.
Ang bigat-bigat kasi.
Pero may ipapakiusap sana ko sa'yo...kung ok lang?
Sana pag may mahanap kang iba,wag mo nang ulitin yung nangyari sa 'tin…
Since you're already very good in words, deal more with actions.
The best tangible thing na maibibigay mo eh yung presence mo. Physically.
And try not to lose the person anymore.
Sige, ikaw rin.
Sana makarating 'to sa'yo.
Belated happy valentine's day nga pala.
No comments:
Post a Comment