Daming gumugulo sa utak ko.
Andaming tinatagong takot ng dibdib ko.
Minsan parang ang babaw pero di ko pa rin mapigilang mag-isip.
Eh putcha!
Ba't sa iba parang andali-dali?!
Parang wala lang.
Kanina nga lang umiyak na naman ako.
Pero pigil.
Yung tipong paunti-unti...dahan-dahan.
Yung walang makakapansin.
Parang sa tanga nga eh.
Sa harap n'yo okay lang ako.
"Cool" kumbaga.
Pero pag ako na lang?
Ha!
Lagi akong bumibigay.
Humihina depensa ko.
Ma-pride lang kasi ako.
Ayokong sabihin ng ibang tao na "para yun lang?"
Na ang hina ko.
Siguro pride ko na rin yung nagpapalakas "kuno" sa akin ngayon.
Langyang "pride" yon, may naitutulong pala.
Ay nga pala--- naiiyak na naman ako. Gusto na namang lumabas ng takot sa dibdib ko. Pero tulad ng dati-- dapat pigil. Dapat dahan-dahan. Dapat walang makaalam. Dapat "cool" lang ako. Sige---iiiyak ko muna 'to tska iyoyosi. May tatlo pa ko dito. Mamaya lang, okay na naman ako.
No comments:
Post a Comment