Saturday, November 01, 2003

Message Sent Series

MESSAGE_SENT I

AKO: "para atang ayoko na."
SIYA:(long pause)"ok."
INISIP KO: "shit! careless thought, careless tongue!"
SANA INISIP NIYA: "shit! no! di pwede..."
AKO ULIT: "so, see you around?"
SIYA ULIT: "no prob."

check operator services.


MESSAGE_SENT II

Sobrang down ako nung araw na yon. Tapos, bigla siyang nag-text.
SIYA: "hi! musta na?"
AKO: (Surprised. nabawasan yung shadows sa moods ko) "hi! galing mong tumayming ah.."
Sorry, ganun talaga ko ever since. I mean what I say and I say what I mean.
SIYA: "y? is der a problem?"
AKO: "no big deal. just having a rough time."
SIYA: "what's going on? what can i do? tell me, punta ko jan anytime."
GUSTO KONG SABIHIN SA KANYA: "ganyan ka naman eh. kelangan ko pang sabihin sa'yo na pumunta ka.
kelangan ko pang sabihin sa'yo kung anong gusto ko. di ba pwedeng punta ka na lang?"

Pero syempre di ko sinabi yon. Ayoko namang ma-offend yung tao.
Tska naisip ko--- for the sake of the past, be nice to him.

Haba na nung text namin tapos bigla nyang sinabi: "Sana bukas tayo na ulit."

Di ako nag-reply. Lam ko na kung san pupunta yung usapan. Ang kulit nya. Persistent na naman.
Flattering kahit papano. Pero pag naaalala ko yung dati, parang ayoko pa...parang ayoko na.

SABI NUNG ISIP KO: "wag kang mag-alala, minahal mo naman sya nun. sobra."

No comments: