Kelan ka ba ulit dadaan? Naasar ka ba nung huli tayong mag-usap? Ikaw naman kasi---ba't ba napaka-sensitive mo pagdating sa bagay na yon? Kasalanan ko ba na apektado ka pa hanggang ngayon? Eh kasi naman... andali mong mag-fall. Wala kang pinipili. Ini-spoil mo kasi yang nasa dibdib mo. Lahat ng gusto at may gusto pinagbibigyan. Naku, di pwede ang ganyan. Minsan kailangan mong pumreno. Minsan, kailangang dumistansya. Di sa lahat ng pagkakataon naka-green light ka.
Nagulat lang kasi ako. Matagal na yon di ba? Hanggang ngayon ba naman? Bilib nga rin ako sa'yo. Siguro hindi pa talaga ako nagmahal nang ganyan, kaya tuloy puro warning shots ang binabato ko sa'yo. Pero lam mo, parang ayoko. Nakakatakot. Mas gusto ko yung ganito. Yung alam ko kung kelan ako kikilos; kung kelan ko ipaglalaban; at kung kelan ako bibitaw. Syempre, nasasaktan din ako. Pero di tulad mo, alam ko kung san yung weakness ng nananakit sa kin. Kaya sa bandang huli, di ako yung nagmumukhang dehado. Gusto mo swap tayo ng tricks? Ano?
Friend, daan ka naman ulit. Usap tayo. Promise, makikinig na lang ako.
No comments:
Post a Comment