Parang hindi, ano? Sobrang aga pa naman para magkaroon ako ng midlife crisis. Pero feeling ko andun ako sa stage na yun. Para akong pinaghalong Bob at Charlotte ng Lost in Translation. May gustong marating, pero di alam kung saan. May gustong mangyari, pero di alam kung pano gagawin.
Ewan ko ba. Sa batch namin, ako na lang ata yung walang definite plan. Lahat sila seryoso na sa buhay. Bakit, seryoso din naman ako ah? Yun nga lang, ibang level. Mas mababaw. Short-termed yung goals. Halimbawa: sila, nagi-ipon na para sa house rent at iba pang bills; ako eto-- nagi-iipon para sa isang Prince badminton racket, Canon SLR digital camera, at studio lighting setup. Yung iba married na yung status sa friendster, ako constantly changing from in a relationship to open relationship to single and so on and so forth. Get the picture?
===
Stupid question # 2: May advantage ba talaga pag may specific plan?
Di rin obvious, no?
Nung isang hapon, sinama ako ng bestfriend ko sa isang seminar sa AIM. INTER-ED, study abroad thingy. Interesting naman. Actually, tempting would be the right term. After nung event, tinanong ako ng bestfriend ko: "So, what do you think? Ano, gusto mo next year?" Whoah. Ang bilis naman nyang mag-decide! Next year?! Parang kaka-grad ko lang last year, tapos aral na naman? And for the nth time, may nag-question na naman sa masterplan ko sa buhay. Mag-e-MBA daw ba ko. May plan ba ko mag-work abroad. Kelan na raw ba talaga kami magsi-settle down ng boyfriend ko. *Whew* Do I really have to answer those things in one breath? As in, now na?
As usual, dinaan ko na naman sa biro. "I'm too young for that." Enjoy muna 'ko sa pagiging 20-something, yuppie, coffee-addict, and single. And besides, I'm only turning 24 (but look much younger than that...pramis) this year. So what's the rush? Pero, feeling ko di ko sya na-convince.
===
Stupid question # 3: Umiikot lang ba talaga ang cycle?
Anlabo. Pero di nga, ba't ganon? Ba't kelangan ba nating sumabay sa trend? Ba't kelangang pareho yung pagdadaan nating cycle? Na kesyo sa ganitong age dapat ganun na yung nagawa mo. Di naman sa kino-contest ko yung idea, pero magkakaiba naman tayo ng pacing? Parang sa inuman. Kahit isa lang yung size ng shot glass at isang tao lang yung tumatagay, may tinatamaan agad at meron namang nabibitin. Magkakaiba yung level of tolerance natin. Same thing with our contentment level. Eh anong magagawa ko kung mababaw lang kaligayahan ko? Kahit nga yung definition ng happy, simple lang para sa 'kin. Something that makes me smile. Brief, literal, corny. Walang stunning words.
Ang punto ko...kelangan bang magkaron ako ng punto? Dapat ba may sense lahat? Kelangan bang may thesis statement itong pinagsusulat ko dito? Ewan.
Kidding aside, simple lang ang punto ko: kanya-kanya lang yan.
*****
Hindi lahat ng pwede, dapat. Hindi lahat ng dapat, pwede. What of it? Wala lang.